Nagpaabot ng pakikidalamhati si House Speaker Martin Romualdez, sa pamilya ng dalawang seafarer na namatay sa ballistic missile attack ng Houthi rebels sa M/V True Confidence sa Gulf of Aden.
Ito ang kauna-unahang pag-atake ng Iran-backed militant group sa Red Sea.
Sa mensahe nito sa pamilya ng dalawang Pinoy seafarers na namatay sa trahedya, at sa dalawa pang tripulante na nasaktan, kaisa nila ang Kamara at national gov’t sa pangunguna ni Pang. Bongbong Marcos sa pagkondina sa marahas na pag-atake.
Iniutos na rin umano ni Pang. Marcos sa kinaukulang ahensya ng pamahalaan na ipagka-loob ang kinakailangang tulong at suporta sa pamilya ng casualties at injured crewmen.
Nanawagan rin si Romualdez para sa malalimang imbestigasyon sa nasabing pag-atake, kasabay ng paghimok sa international community na kundinahin ang ganitong gawain kung saan mga inosenteng sibilyan ay nadadamay.