Na-delay ang pag-ban ng pamahalaan sa global crypto trading giant na Binance bunsod ng reshuffle sa matataas na opisyal sa Securities and Exchange Commission.
Epektibo dapat ang pag-block ng access sa Binance sa Pilipinas, tatlong buwan makaraang maglabas ng warning ang SEC noong Nov. 29, 2023.
Ayon sa Corporate Regulator, nadiskubre na ang naturang trading platform ay nag-o-operate sa bansa nang walang kaukulang mga lisensya.
Una nang inihayag ng SEC na sa pagpapatupad ng ban, kailangan ng kooperasyon ng National Telecommunications Commission para ma-block ang access sa Binance at sa mga apps nito sa Pilipinas.