dzme1530.ph

Mga batas pang-ekonomiya, dapat ipatupad muna ng gobyerno sa halip na isulong ang Cha-cha

Umapela si Sen. Christopher Bong Go sa gobyerno na ipatupad muna ang mga ginawang batas para sa ekonomiya bago pa isulong at aprubahan ang economic charter change.

Ginawa ni Go ang pahayag bilang reaksyon sa pag-apruba ng Kamara sa Resolution of Both Houses no. 7 na naggigiit ng pag-amyenda sa ilang economic provisions.

Sinabi ni Go na marami nang umiiral na batas na makakatulong upang mahikayat ang mga foreign investors na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Tinukoy ng senador ang Public Services Act at ang Foreign Investment Liberalization Act na nagpapahintulot ng 100% foreign ownership sa ilang industriya.

Idinagdag pa ni Go ang Retail Trade Liberalization Act na nagbabawas naman ng paid up capital sa mga dayuhang retailers at papayagang makapasok ang mga produkto mula sa ibang bansa.

Iginiit ni Go na hindi dapat madaliin ang pagtalakay sa panukalang chacha dahil dapat himaying mabuti ang bawat argumento hinggil dito.

About The Author