Nanawagan si Sen. Lito Lapid sa publiko na doblehin ang pag-iingat sa sunog ngayong Fire Prevention Month.
Ipinaaalala ni Lapid na mas delikado ngayon ang sunog dahil sa nararanasang El Niño kaya’t kailangang paigtingin pa ang pag-iingat.
Ginawa ni Lapid ang pahayag sa kanyang pagdalo sa urban fire olympics sa Calamba City, Laguna kung saan pinuri niya ang mga bumbero na tinawag din niyang mga bayani sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Sinabi ni Lapid na mahalaga ang kahandaan at pagsasanay ng mga bumbero sa paglaban sa sunog kasabay ng paghikayat sa mga ito na palagiang protektahan ang mga kababayang Pilipino.
Ayon kay Lapid, dapat maging handa ang bawat isa para maiwasan ang sunog na pumipinsala sa mga ari-arian at kabuhayan ng mga mamamayan.
Dapat anyang palagiang maging alerto at sumunod sa mga paalala ng Bureau of Fire Protection para sa kaligtasan ng lahat.