Suportado ng bansang Marshall Islands ang Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea laban sa China.
Sa courtesy call sa Malacañang ni Marshall Islands President Hilda Heine, ipinabatid nito ang pagkabahala sa mga agresibong aksyon ng China sa South China Sea.
Kaugnay dito, pinayuhan nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipag-ugnayan sa Pacific Islands Forum para sa suporta.
Tiniyak din ni Heine na aalalayan nito ang Pilipinas, at handa umano ang PIF na suportahan ang bansa sa regional o international arena.
Sinabi naman ng Pangulo na umaasa siya sa tulong ng Marshall Islands, dahil naniniwala ito na mayroon silang magka-parehong interes.