Nagbabala si Sen. Imee Marcos sa posibilidad ng pagtaas ng kriminalidad, terorismo, arms smuggling at malawakang karahasan sa 2025 elections kasunod ng pagluluwag ng Philippine National Police (PNP) sa mmga sibilyan sa pagmamay-ari ng high-powered firearms.
Ito ay sa gitna ng pag-amyenda ng PNP sa kanilang implementing rules and regulations (IRR) para sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition para payagan ang pag-iisyu ng lisensya sa mga M-14 rifles at iba pang semi-automatic weapons na may caliber 7.62mm pababa.
Inilarawan ni Marcos na binabaril ng PNP ang sarili nito sa kanilang paa at inilalagay sa alanganin ang law enforcement lalo na ang public safety.
Tanong pa ng senadora kung nais ng PNP na lumaganap ang shooting violence tulad nang nagaganap sa US.
Dagdag pang tanong nito ay kung mayroon bang nagla-lobby para sa firearms manufacture at imports.
Ang pagbabago anya sa IRR ay magreresulta sa kumplikasyon ng gobyerno sa decommissioning ng armas ng mga rebelde.
Nakalulungkot anya na kapag dumami ang pagpatay, ang parusa para sa firearm misuse ay tanging comfort lang sa pamilya ng mga biktima.