dzme1530.ph

PBBM, nagpasalamat sa Australia para sa masigasig na pag-suporta sa UNCLOS at 2016 Arbitral Ruling

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Australia para sa hindi tumitiklop na suporta sa rule of law, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at sa 2016 arbitral ruling na nag-deklarang pag-aari ng Pilipinas ang mga teritoryong inaangkin ng China.

Sa Leaders’ Plenary Session ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne, pinuri ng Pangulo ang napapanahong paglalabas ng mga pahayag ng Australia at ang capacity-building at academic initiatives para sa International Law.

Sinabi rin nito na sa nagdaang limang dekada, napatunayan ng Australia ang suporta sa ASEAN dahil sa kanilang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Kaugnay dito, hinikayat ng Pangulo ang tinaguriang “land down under” na ipagpatuloy ang aktibong bilateral at ASEAN engagement upang maisulong ang kapayapaan, diplomasya, at pag-resolba sa mga sigalot.

About The Author