Lumagda na ang Pilipinas sa 2nd protocol ng ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Agreement, o ang malayang kalakalan ng ASEAN at Australia Region.
Sa kanyang intervention sa Leaders’ Plenary Session ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang kasunduan ang magbibigay-daan sa pagpapalakas ng supply chain, pagpapalawak ng trade and investment, at sustainable development.
Makikinabang din dito ang micro, small, and medium enterprises dahil sa mas malawak na market access, partisipasyon sa global value chains, at paggammit ng e-commerce.
Ang ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Agreement ang nagbawas ng malaking taripa sa mga ikina-kalakal na produkto sa mga nasabing rehiyon.
Sinabi naman ng Pangulo na bukas ang Pilipinas sa pagpapalawak pa ng kolaborasyon sa agrikultura, food security, digital economy, imprastraktura, turismo, at healthcare.