dzme1530.ph

GSIS, naglaan ng P315-M emergency loan para sa mga miyembro na apektado ng oil spill

P315-M ang inilaan ng Government Service Insurance System para sa emergency loan ng kanilang mga miyembro at pensioners na naapektuhan ng oil spill na dulot ng lumubog na motor tanker sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sinabi ni GSIS Pres. at Gen. Man. Wick Veloso na sa pamamagitan ng kanilang Emergency Loan Program, umaasa sila na mapagagaan ang pasanin ng halos 13,000 nilang mga miyembro na nagta-trabaho o nakatira malapit sa mga apektadong lugar, pati na mga pensioner.

Aniya, bukas ang programa sa 11,024 active members at 1,896 old-age and disability pensioners.

Idinagdag ni Veloso na naglaan ang state workers’ pension fund ng total budget na P6.2-B para sa kanilang Emergency Loan Program ngayong 2023.

About The Author