dzme1530.ph

Sen. Angara, aminadong marami pang kasamahan sa Senado na ‘di pa kumbinsido sa eco cha-cha bill

Aminado si Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Sonny Angara na marami pang mga Senador ang hindi kumbinsido sa economic cha-cha.

Gayunman, nagpapatuloy pa naman anya ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses no. 6 at katunayan ngayong araw na ito ay aarangkadang muli ang diskusyon sa probisyon para sa foreign ownership sa higher education

Sinabi ni Angara na sa ika-apat na pagdinig sa panukala ay mas maraming na-imbitahan mula sa tech-voc at private education sector.

Kabilang na sa mga dadalo ang mga kinatawan mula sa UP Los Baños, Mindanao State University, TIP, TUP, Monark Foundation Inc., at International Rice Research Institute of the Philippines.

Gayundin ang mga resource persons mula sa CHED, Philippine Institute of Development Studies, DepED, DOLE, TESDA, PRC, DOST at DTI.

Sa ngayon, ang Pilipinas na lamang ang bansa sa Southeast Asia na may constitutional restrictions sa foreign ownership habang ang Singapore, Malaysia, Vietnam, Myanmar, Laos, at Cambodia ay pinapayagan na ang full foreign ownership.

Nanindigan naman si Angara na mananatili ang kanilang timeline sa pagtalakay sa economic chacha bill upang maisabay ang plebesito para rito sa 2025 Midterm elections na siya ring direksyon ni Pangulong Bongbong Marcos at dapat anyang sundin ng Kamara.

About The Author