dzme1530.ph

Mahigit 50K katao, nagprotesta sa Greece kontra worst rail tragedy

Mahigit 50K raliyista ang nagkilos-protesta sa mga lansangan sa Greece habang naglunsad ng mass strikes ang mga manggagawa, upang ipakita ang kanilang galit sa tinaguriang worst rail tragedy ng bansa, kasabay ng panawagang pagbibitiw ng kanilang prime minister.

Nasa 57 indibidwal ang nasawi habang 14 na iba pa ang nananatili pa rin sa ospital makaraang sumalpok ang isang freight train sa kasalubong na pampasaherong tren na karamihan ng sakay ay mga estudyante noong Pebrero a-28.

Bitbit ng mga demonstrador sa athens ang placards na nagsasaad na hindi aksidente ang nangyari kundi krimen.

Lumakas din ang panawagan na magbitiw na si Prime Minister Kyriakos Mitsotakis dahil sa trahedya, na nagbigay diin lamang sa ilang dekada nang mismanagement ng pamahalaan sa rail network.

Inaresto at kinasuhan na rin ang station master na umaming nakalimutan nitong i-reroute ang isa sa mga tren kaya nangyari ang malagim na insidente.

About The Author