dzme1530.ph

DA, naghihinalang mayroong manipulasyon sa presyo ng karneng baboy sa VisMin

Naghihinala ang Department of Agriculture na posibleng mayroong manipulasyon sa pagsipa ng presyo ng karneng baboy sa Visayas at Mindanao.

Tumaas ang presyo ng karne sa mga naturang lugar sa kabila nang nananatiling mababa sa P180 kada kilo ang farmgate price ng baboy.

Kinumpirma ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na tumaas ang retail price ng karneng baboy sa Visayas at Mindanao ng sampung piso kada kilo.

Sinabi ni de Mesa na makikipag-ugnayan sila sa local government sa pamamagitan ng Local Price Coordinating Council upang malaman ang dahilan sa likod ng mataas na retail price at kung mayroong manipulasyon sa presyo ng karne.

About The Author