dzme1530.ph

Pastor Apollo Quiboloy, inirekomendang kasuhan ng Child Abuse at Human Trafficking ng DOJ

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong Child Abuse at Human Trafficking laban sa kontrobersyal na Pastor na si Apollo Quiboloy.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ito’y makaraang baliktarin ng ahensya ang naunang pagbasura ng Office of the City Prosecutor sa Davao noong 2020 sa mga kasong kinasasangkutan ng lider ng Kingdom of Jesus Christ.

Inihayag din ni Remulla na nagpalabas ang DOJ ng preliminary hold departure order laban kay Quiboloy, pati na Lookout Bulletin upang mapigilan ang Pastor na lumabas ng bansa.

Si Quiboloy na nagsilbing spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nahaharap din sa patong-patong na kaso, kabilang na ang sex trafficking, child sex trafficking, at bulk cash smuggling sa Amerika.

About The Author