Hindi inaprubahan ng pamahalaan ang pag-i-import ng asukal sa mas mababang taripa sa pamamagitan ng minimum access volume (MAV), ngayong taon.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), ito ay dahil maraming stocks ang bansa para mapunan ang domestic consumption.
Sinabi ni SRA Administrator Pablo Luiz Azcona, na nagpasya ang Department of Agriculture na huwag magbukas ng sugar mav program, dahil sapat ang domestic stocks para masuplayan ang pangangailangan ng households at industrial users.
Sa asukal, ang imports sa loob ng MAV program ay mayroong 50% tariff habang ang imports sa labas ng programa ay mayroong 65% tariff.