dzme1530.ph

14 business agreements na nagkakahalaga ng $1.53-B, naselyuhan sa foreign visit ng Pangulo sa Melbourne Australia

Naselyuhan ang 14 na business agreements na nagkakahalaga ng $1.53 billion o P86 billion, sa nagpapatuloy na foreign trip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Melbourne Australia.

Sa Philippine Business Forum sa Ritz-Carlton Hotel, iprinisenta sa Pangulo ang Memorandum of Understandings at Letter of Intents sa pagitan ng iba’t ibang Australian at Filipino companies.

Ang mga kasunduan ay nasa larangan ng housing, renewable energy, pagtatatag ng data centers, battery manufacturing at export operations, recycling technology, artificial intelligence sa digital health services, at iba pa.

Ilan naman sa mga kumpanya at ahensyang kabilang sa business deals ay ang Ayala Corp., Cyclion Holdings, Medgate Asia Holdings, Jeremiah Drug Inc., National Development Company, Bases Conversion and Development Authority, at Dep’t of Human Settlements and Urban Development.

Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, ang business deals ang nagpapakita ng sumisiglang investment relationship sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

About The Author