Inamin ni Albay Cong. Joey Salceda na gumagawa ng paraan ang Kamara upang mabigyan ng sapat na pondo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagbili ng advanced weapons at military hardware.
Ito’y kahit naghihintay pa sila sa mga Senador kung kailan ang Bicam para panibagong pondo para sa pagbili ng makabagong gamit ng AFP.
Ani ng Mambabatas, habang kanilang hinihintay ang Bicam, nag-uusap muna sila ni Iloilo Cong. Boboy Tupas, Chairman ng House Committee on National Defense and Security, kung paano mapapabilis ang pagbibigay ng pondo sa AFP.
Magugunitang nitong nakalipas na linggo, dalawang barko na naman ng China ang ilegal na pumasok sa Benham Rise ng hindi man lang nalalaman o na-monitor ng Philippine Coast Guard.