dzme1530.ph

Presyo ng galunggong, bumaba ng P50 kada kilo

Bumaba ng P50 ang kada kilo ng galunggong ngayong peak season, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera, na pinayagan nang mag-operate ang commercial fishers sa karagatan ng Visayas, Zamboanga Peninsula, at Palawan matapos ang closed fishing season noong a-15 ng Pebrero.

Gayunman, nag-abiso si Briguera na magkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga isda pagsapit ng Holy Week, bunsod ng inaasahang pagtaas ng demand dahil maraming Katoliko ang iwas muna sa pagkain ng karne.

 

 

About The Author