dzme1530.ph

Presyo ng karneng baboy sa Visayas at Mindanao, hindi dapat tumaas —SINAG

Walang dahilan para tumaas ang presyo ng karneng baboy sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ito ay dahil P180 lamang kada kilo, ang presyo ng buhay na baboy.

Ginawa ni SINAG Chairman Rosendo So ang pahayag, kasunod ng reklamo ng consumers na umabot na sa P400 ang kada kilo ng karneng baboy sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ni So na ang retail price ng karneng baboy sa dalawang nabanggit na lugar ay nasa P280 per kilo lang dapat.

Sa Luzon naman aniya, P195 per kilo ang live weight price ng pork kaya ang retail price ay dapat P290 hanggang P300, habang ang liempo ay nasa P340 per kilo.

About The Author