Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko laban sa “vacation scam” habang naghahanda para sa out-of-town trips sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong summer break.
Ayon kay PNP Public Affairs Chief Col. Jean Fajardo, dapat maging mapanuri ang mga Pinoy sa pagpili ng travel packages.
Mayroon kasi aniyang nag-aalok ng “good to be true” promo, gaya ng murang hotel booking, airline tickets, rental car at guided tours.
Sinabi rin ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na ito ay isang online travel scheme para lokohin o linlangin ang publiko.
Sa datos ng ACG, nasa 478 ang kabuuang bilang ng vacation scam cases: 39 noong 2021, 91 noong 2022, 313 noong 2023 at 35 sa kasalukuyang taon.