dzme1530.ph

Katiwalian sa tuition subsidy, pinuna ng Senador

Pinuna ni Sen. Raffy Tulfo ang alegasyon ng katiwalian sa tuition subsidy ng Department of Education.

Ito ay makaraang lumitaw sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education kaugnay sa implementasyon ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) na may 12,675 na ghost beneficiaries ang programa.

Dahil dito, umabot sa P300 million ang nawala sa gobyerno na patuloy na hinahabol ng DepEd sa mga pribadong eswelahan.

Hindi tinanggap ni Tulfo ang palusot ng mga opisyal ng DepEd na clerical error lang ang nangyari bunsod ng dami ng ghost beneficiaries at laki ng halagang pinag-uusapan.

Iminungkahi ng senador na para sa transparency ay dapat may listahan online kung sinu-sino ang mga beneficiaries’ ng GASTPE.

Dahil sa ngayon ay ang DEPED at Private Education Assistance Committee (PEAC) lamang ang nakakaalam sa listahan ng mga beneficiaries ng programa.

About The Author