Tiniyak ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Sonny Angara na aarangkada ang pagpapatuloy ng kanilang pagdinig sa economic cha-cha bill sa March 5 .
Sa kabila ito ng suhestyon ni Sen. Chiz Escudero na bumalangkas muna ang Senado ng patakaran o rules para sa pag-adopt o pag-aprub ang resolusyon ukol sa panukalang chacha bago ipagpatuloy ang mga pagdinig.
Ayon kay Angara, nagkasundo ang mga senador na ipagpatuloy muna ang hearings sa Resolution of Both Houses 6 sa subcommitee.
Gayunman, hihintayin nila ang pagbalangkas ng rules ng Senado para sa adoption ng resolution bago sila maglabas ng committee report.
Ang Senate Committee on Rules anya na pinamumunuan ni Senate Majoriity Leader Joel Villanueva ang mag-aaral at babalangkas ng kinakailangang rules o anumang pagbabago sa Senate rules
Ang bubuuin anyang rules ay tututok sa prosesong susundin sa paglalatag sa plenaryo ng resolution at pag-apruba sa economic cha-cha.
Una rito, hinikayat ni Escudero ang liderato ng senado na repasuhin muna ang senate rules at bumuo ng kahalintulad na probisyon mayroon ang kamara sa pag-apruba sa panukalang chacha bago ang panibagong hearing para sa RBH 6.