Binawi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna nitong pahayag tungkol sa planong pagkalas ng Mindanao sa Pilipinas.
Inamin ng dating pangulo na biro at panakot lang niya ang pagsusulong ng paghiwalay ng naturang rehiyon sa bansa.
Sinabi ni Duterte na ginawa niya ang pananakot sa mga taga-Maynila para ipaalala na hindi lang sila ang mga Pilipino.
Iginiit din ng dating chief executive na ayaw niyang mahiwalay o mawala ang kahit anong bahagi ng bansa.