Binigyang diin ng National Food Authority (NFA) na mayroon silang mandato na ilabas ang kanilang mga bigas na nasa maayos at consumable condition.
Idinagdag ng NFA na responsable nilang inilalabas ang kanilang supply sa pamamagitan ng pagpapahaba sa maximum shelf-life nito at mabawasan ang pagbebenta ng residual volume.
Ginawa ng NFA ang pahayag kasunod ng pagbuo ng lupon ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, na mag-i-imbestiga sa alegasyon na ilang opisyal ng ahensya ang pumayag na ibenta ang mga bigas na nakaimbak sa warehouse sa halagang P25 kada kilo nang hindi dumaan sa bidding, at kahit nabili ang palay sa halagang P23 kada kilo.
Iginiit ni NFA Administrator Rod Bioco na ang hakbang ng DA ay inquiry at hindi formal investigation.