Umapela ang mga employer kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpaliban ang pagtaas ng kontribusyon o premium rate ng mga miyembro ng PhilHealth.
Sa liham na ipinadala sa Pangulo, hiniling ng employers at business groups, na pansamantalang i-redirect ng PhilHealth ang kanilang focus sa pagpapaganda ng serbisyo, at i-delay ang contribution hike hanggang sa susunod na taon.
Kabilang sa signatories sa sulat sina Employers Confederation of the Philippines Chairman Edgardo Lacson, Philippine Chamber of Commerce and Industry President Enunina Mangio, at Philippines Exporters Confederation President Sergio Ortiz-Luis Jr.
Kaninang umaga ay inihayag ni Pangulong Marcos na pinag-aaralan pa niya ang premium rate hike na 5% mula sa 4%, na epektibo ngayong taon, sa pamamagitan ng cost-benefit analysis perspective.