dzme1530.ph

Early voting para sa mga senior, PWD at iba pang sector, inirerekomenda

Sa pagpapatuloy na tatlong araw na election summit sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na siya ay sumulat na sa Comelec en banc para matalakay ang panukalang early voting, para sa mga senior citizen, PWD, at iba pang nangangailangang sector.

Sabi ni Garcia, tinatayang mayroong 10M senior citizen na botante sa bansa na makikinabang sakaling maaprubahan ang early voting para sa kanilang hanay.

Paliwanag ni Garcia, sakaling umusad ang kanyang ideya, planong namang ipatupad ang pagsasagawa ng early voting para sa ilang piling sektor sa darating na Barangay at SK elections sa Oktubre.

Bukod diyan mayroon ding pilot test early voting sa ilang mga lugar sa bansa, na tutukuyin ng Comelec, na iaanunsyo naman aniya” ang buong detalye sakaling matuloy.

Aminado rin ang Comelec na sakaling maaprubahan ay mangangailangan din ang komisyon, ng karagdagang budget, para dito gaya nalamang ng dagdag na pondo para sa honoraria ng mga gurong magsisilbi naman sa halalan.

About The Author