dzme1530.ph

350 pamilya na nawalan ng tirahan sa sunog sa Parañaque, nanatili sa evacuation center

Pansamantalang nanatili sa evacuation center sa Parañaque ang nasa 350 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog kagabi sa isang residential area sa Brgy. San Isidro sa lungsod ng Parañaque.

Sa impormasyon ng Parañaque Bureau of Fire Protection personnel tinatayang nasa 160 bahay ang tinupok ng apoy na nagsimula pasado 7:27 kagabi.

Nagsimula umano ang sunog sa bahay na pag aari ng pamilya silang na agad naman kumalat sa iba pang kabahayan na gawa sa light materials.

Wala naman naiulat na nasawi sa sunog maliban sa isang sugatan na kinilalang si Habadon Jangke.

Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection ang halaga ng pinsala ng mga ari-arian ang tinupok ng sunog na umabot sa ika-4 na alarma na tumagal ng higit pitong oras bago ideklarang fire out ng Bureau of Fire Protection ng 3:17 kaninang madaling araw.

About The Author