dzme1530.ph

Gobyerno, makatitipid ng malaki kung pagsasabayin ang plebisito sa Cha-cha at 2025 elections —Pangulo

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na malaki ang matitipid ng gobyerno kung pagsasabaying idaos ang plebisito para sa Charter Change, at 2025 midterm elections sa Mayo.

Sa ambush interview sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na malaki ang magagastos kung pagbubukurin pa ang eleksyon at plebisito.

Idinagdag pa nito na mahirap magdaos ng plebisito bago ang eleksyon dahil mabubulilyaso ang preparasyon sa halalan.

Sinabi pa ni Marcos na umuusad na ang mga resolusyon sa Kamara at Senado kaugnay ng Cha-cha, kaya’t tinitingnan na ang magiging mekanismo ng plebisito.

Kasabay nito’y pinag-aaralan na ring mabuti ang posibleng sabayang pagsasagawa ng cha-cha plebiscite at midterm elections.

About The Author