dzme1530.ph

Pilipinas, lumagda sa isang global investment deal

Nilagdaan ng Pilipinas kasama ang mahigit isandaang miyembro ng World Trade Organization (WTO) ang isang global agreement na layuning pangasiwaan ang mga investment.

Partikular dito ang Investment Facilitation for Development (IFD) agreement, na na-isapinal sa sidelines ng WTO meeting sa Abu Dhabi.

Ayon kay Dept. of Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual, kumpiyansa siya na lalo pang tataas ang transparency provisions at faciliation measures sa IFD deal na lilikha ng mas matatag na investment environment sa buong mundo.

Kaugnay nito, nagsagawa na ang Pilipinas ng capacity-building sessions at technical consultations para matukoy ang mga lugar na dapat pang pagbutihin para maka-akit ng mas maraming puhunan.

About The Author