dzme1530.ph

Philippine history, dapat tiyaking maituturo pa rin kahit buksan sa foreign ownership ang mga paaralan

Kailangang tiyakin ng gobyerno na maituturo pa rin sa mga paaralan ang Philippine history kahit aprubahan ang 100% ownership sa education sector.

Iginiit ito ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Sonny Angara kasunod ng pulong ng mga senador kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. kahapon sa Malacañang kung saan na pag -usapan ang panukalang Charter change.

Ang pagbubukas sa education sector sa foreign ownership ay isa sa nilalaman ng Resolution of Both Houses no. 6 na tinatalakay sa senado sa pangunguna ni Angara.

Sinabi anya ng Pangulo na mahalagang maprotektahan ang mas strategic industries sa pagsusulong ng economic cha-cha.

Muli ring kinumpirma ni Angara ang muling pagbibigay-diin ng Pangulo na ang Senado ang mangunguna sa pagbalangkas ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

Kinumpirma rin ni Angara na bukas ang Pangulo sa kanyang mungkahi na isabay sa 2025 midterm elections ang plebisito para mas makatipid ang gobyerno.

About The Author