dzme1530.ph

Cloud Seeding, plano isagawa ng DA sa Region 2

Plano ng Department of Agriculture sa Region 2 na magsagawa ng Cloud Seeding, bunsod ng epekto ng El Niño sa mga pananim.

Ang Cloud Seeding ay isang mitigating measure, kung saan gumagamit ng eroplano para magbuhos ng asin sa mga ulap para umulan.

Ipinaliwanag ni Engr. Lorenzo Moron, Assistant Weather Services Chief ng PAGASA, na ang asin ay hygroscopic in nature, na ang ibig sabihin ay may kakayahan itong maka-attract ng moisture.

Nasa 80 hanggang P100,000 ang magagastos sa kada araw na cloud seeding operation.

About The Author