Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na pinapayagang makapangisda ang private foreign vessels sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni BFAR Spokesman Nazario Briguera na sa ilalim ng pandaigdigang batas, maaaring makapangisda ang foreign commercial vessels sa traditional fishing grounds tulad ng Scarborough Shoal.
Sinabi ni Briguera na ang tanging pinagbabawalan lamang ay ang fishing vessels na pakawala mismo ng mga gobyerno ng ibang bansa.
Ipinagmalaki naman ng BFAR ang Bajo de Masinloc na sagana sa yamang-dagat at coral reefs, at mayroon itong napaka-halagang papel sa marine ecosystem dahil nagsisilbi itong pangitlugan ng mga isda.
Mababatid na naging matagumpay ang panibagong resupply mission ng BFAR sa Bajo de Masinloc sa kabila ng naranasan na namang panghaharas mula sa Chinese Coast Guard.