dzme1530.ph

Mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, nadagdagan —BFAR

Mula sa 21, lumobo sa 44 na bangkang pangisda sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal ang nabigyan ng fuel assistance, kamakailan ng mga otoridad.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), indikasyon ito na mas marami nang mga Pinoy ang nangingisda sa pinagtatalunang teritoryo.

Sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera, na halos 45,000 litro ng diesel, mahigit 200 litro ng inuming tubig, at 20 galon ng fresh water, ang ipinagkaloob sa mga mangingisdang Pinoy sa pinakahuling rotational deployment ng BFAR at Philippine Coast Guard ships sa Shoal.

Idinagdag ni Briguera na nakahuli ang mga mangingisdang Pinoy ng 40 tonelada ng isda sa Bajo de Masinloc na isa rin aniyang magandang balita.

 

 

About The Author