dzme1530.ph

VP Sara, nanawagan sa mga Pinoy na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA, at manindigan sa tama

Sa paggunita sa ika-38 Anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution, hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA at manindigan sa kung ano ang tama.

Sa pahayag, sinabi ni VP Sara na huwag kalimutan ng mga Pilipino ang mga naging aral ng mapayapang rebolusyon, gaya ng kapangyarihan ng pagkakaisa.

Aniya, ang pagsisikap at determinasyon ng mga Pinoy ang nagbigay daan para sa mas magandang Pilipinas, kasabay ng pagtiyak na hindi ibabaon sa limot ang mga nagsakripisyo para ipaglaban ang demokrasya at kalayaan.

Nanawagan din ang Bise Presidente sa publiko para sa pagtatatag ng bansa kung saan umiiral ang hustisya, kapayapaan, at kasaganaan, at bawat boses ay pinakikinggan, at bawat pangarap ay kayang tuparin.

About The Author