Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palalakasin pa ng gobyerno ang kampanya laban sa mga teroristang grupo.
Ito ay kasabay ng pagbibigay-pugay at pakiki-dalamhati ng Pangulo sa pagkamatay ng anim na sundalo sa engkwentro laban sa Dawlah Islamiyah Group sa Lanao del Norte noong nakaraang linggo.
Ayon sa Pangulo, hindi ibabaon sa limot ang kadakilaan at kabayanihan ng mga sundalo, at ipagpapatuloy ang kanilang ipinaglaban at uusigin ang mga kalaban ng kapayapaan.
Ipinangako rin nito ang pagmamahal at pagkilala sa ginawang sakripisyo ng mga nasawing sundalo.
Sinabi pa ni Marcos na ang nadaramang kalungkutan sa sakripisyo ng anim na magigiting na sundalo, ay gagamiting lakas sa pagsisikap na masugpo ang mga teroristang naghahasik ng panganib sa mamamayan.