Umarangkada na ang tatlong araw na election summit ng Commission on Elections (COMELEC) sa isang hotel sa Pasay City.
Ang ginanap na summit ay may temang “Pagtutulungan sa Makabagong Halalan” imbitado dito ang ibat-ibang election watchdog, civil society groups at mga stakeholders sa halalan.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, layon nito na simulang makapagbigay ng kontribusyon ang lahat para magkaroon ng mas maayos at malinis na halalan.
Itinuturing ng COMELEC na makasaysayan ang pagdaraos ng election summit na ito, ayon kay Garcia, patunay ito na handa ang komisyon na makinig at umaksyon sa mga isyung may kaugnayan sa halalan.
Magiging highlight ng tatlong araw na National Election Summit ang pagdalo mismo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, sa araw ng Biyernes.