Sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tanong kung totoo bang ang kahulugan ng BBM ay “Bigas Biglang Mahal”.
Sa pagsagot sa isang liham sa kanyang vlog, inamin ng Pangulo na sadyang hindi maiiwasan ang problema sa pagtaas ng presyo ng bigas sa Pilipinas.
Gayunman, iginiit ni Marcos na ito ay idinulot ng “external shocks”, tulad ng pagsipa ng presyo ng langis na magre-resulta rin sa pagtaas ng presyo ng urea fertilizer.
Sinabi pa ng Pangulo na tumaas din ang presyo ng bigas maging sa rice-exporting countries tulad ng Vietnam at Thailand.
Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapalakas ang produksyon, upang hindi na kailanganin pang mag-import ng bansa.
Mababatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad ng pangulo ang ipinangakong P20.00 na kada kilo ng bigas.