dzme1530.ph

DENR, magtatayo ng Marine Research Station sa Sta. Ana, Cagayan

Magtatayo ang Department Of Environment And Natural Resources (DENR) ng Marine Research Station sa Sta. Ana, Cagayan.

Ang bayan ng Sta. Ana ay isa sa anim na lugar na pinili ng DENR para sa kanilang Marine Research Hub Project na naglalayong palakasin ang Ocean Science at Resource Management Strategies sa bansa.

Sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na ang naturang bayan ang magiging northernmost site na magsisilbing bantay sa Northern Philippine Sea Marine Biogeographic region.

Sa bayan ng Sta. Ana matatagpuan ang Palaui Island Protected Landscape and Seascape na nakasasakop sa 1,008 hectares ng coral reefs, 472 hectares ng seagrasses at 102 hectares ng mangroves.

About The Author