dzme1530.ph

ACT: Full pay sa mga pumapasok na guro kahit bakasyon, hinimok

Hinimok ng Alliance of Concerned Teachers o ACT ang Department of Education (DepEd) na i-upgrade ang kanilang mga panuntunan sa sahod ng mga guro na pumapasok bago pa man magbukas ang klase.

Inudyok naman ni ACT Chair Vladimer Quetua ang DepEd na bigyan ng ‘full pay’ ang mga guro dahil ang gawain at arawang gastos nila tuwing panahon ng bakasyon ay kapareho ng nagagastos nila kung regular na may klase.

Paliwanag pa ni Quetua, konektado ang kanilang kahilingan sa kamakailang inilabas na Department Order (DO) no. 003 series of 2024 na nagtatakda ng ‘gradual adjustment’ sa School calendar upang paghandaan ang pagbabalik ng dating academic schedule sa buwan ng Hunyo at magtatapos naman sa Marso.

About The Author