Ang sakit sa puso o heart disease ang pinaka pangunahing sanhi ng pagkamatay ng isang tao.
Hindi ma-ikakaila ang patuloy na pagtaas ng mga kaso nito sa paglipas ng panahon, lalo na sa may mga edad na.
Dahil dito, mahalagang pagtuunan ng agarang pansin ang mga maliliit na senyales ng pagkakaroon ng sakit sa puso tulad ng pananakit ng dibdib at iba pang bahagi ng katawan, pagkahilo, mabilis na nakararamdam ng pagkapagod, may iregular na tibok ng puso at pulso, panghihina ng katawan at iba pa.
Payo ng mga eksperto, sakaling makaranas ng mga senyales na ito ay agad na magpakonsulta sa doktor.