Inilatag na ni Senate Committee on National Defence and Security Chairman Senator Jinggoy Estrada ang panukala para sa approval sa paggawad ng amnestiya sa mga rebeldeng grupo.
Ini-sponsoran na sa plenaryo ang apat na committee reports bilang pagkatig sa Presidential Proclamations 403, 404, 405, at 406.
Alinsunod sa proklamasyon, gagawaran ng Amnestiya ang mga dating miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas, Revolutionary Proletarian Army, Alex Boncayao Brigade; Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), National Democratic Front (NDF); mga myembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).
Kabuuang 3,870 miyembro ng mga rebeldeng grupo ang mabibigyan ng amnestiya.
Layun nito na bigyan ng oportunidad ang mga dating rebelde na baguhin at mapaunlad ang kanilang buhay at makatanggap ng mga socio-economic services mula sa pamahalaan.