Handa nang tumanggap ng mga bisitang Foreign Heads of State ang isinaayos na Laperal Mansion na magsisilbing Presidential Guest House.
Ipinasilip sa mga ambassador ng iba’t ibang bansa ang Laperal Mansion sa tour na pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ang mansyon ay matatagpuan sa Arlegui Street sa loob ng Malacañang Complex at tampok dito ang eleganteng European design na may mga kwarto at dalawang sun rooms na ipinangalan sa mga dating Pangulo ng Pilipinas.
Mayroon din itong tatlong State rooms na pinangalanang Magellan, Jose Rizal at Douglas MacArthur.
Samantala, ipinasyal din ang Foreign envoys sa Goldenberg Mansion, Teus Mansion, at Bahay Ugnayan.
Ito ay bahagi ng patuloy na pagbuhay sa Filipino heritage sites kabilang ang magagandang mansyon at istraktura sa Malacañang Compound.