dzme1530.ph

Reserbang dolyar ng Pilipinas, nabawasan noong Pebrero

Bumaba ang Philippine Dollar Reserves noong Pebrero bunsod ng pag-withdraw ng pamahalaan mula sa deposits nito, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, bumagsak sa $99.310-B ang Gross International Reserves (GIR) noong nakaraang buwan, mula sa $100.665-B noong Enero.

Ipinaliwanag ng BSP na ang month-on-month decrease sa GIR level ay bunsod ng Net Foreign Currency Withdrawals ng National Government sa deposits nito para ipambayad ng utang at magamit sa iba’t ibang gastusin.

Ang reserve assets ng Central Bank ay kinabibilangan ng foreign investments, gold, foreign exchange, reserve position sa International Monetary Fund, at special drawing rights.

About The Author