dzme1530.ph

Gradual na pagbabalik sa old school calendar, suportado ng Senador

Nagpahayag ng suporta si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian sa desisyon ng Department of Education ang unti-unting pagbabalik sa dating school calendar simula ngayong school year 2024-2025.

Sinabi ni Gatchalian na nagpapasalamat siya dahil pinakinggan ng DepEd ang panawagan ng mga guro, estudyante at mga stakeholders.

Sa pahayag ng DepEd, magtatapos ang klase ngayong school year 2023-2024 sa Mayo 31, 2024 para masimulan ang school year 2024-2025 ng July 29, 2024 hanggang May 16, 2025.

Sa target timeline pa ng DepEd, tuluyang maibabalik sa June opening ang klase sa School Year 2028-2029.

Binigyang-diin ng senador na mahalagang hakbang na maibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase at magtatapos sa Marso o Abril.

Nakadagdag pa anya sa dahilan na maibalik sa dating petsa ng pasukan sa mga paaralan ang survey ng Pulse Asia mula June 19 hanggang 23, 2023 kung saan 80 percent ng 1,200 respondents ay pabor na ibalik ang summer break sa Abril hanggang Mayo.

Sa kabila ito ng pahayag ng PAGASA sa pagdinig ng Senado na ang kasalukuyang school calendar ay itinapat sa mga buwan na hindi maulan at nabawasan ang kanselasyon ng klase dahil sa mga bagyo.

Subalit naitapat naman ito sa mga araw na sobrang init ng panahon na hindi na kinakaya ng mga estudyante at guro.

About The Author