Kinontra ni Sen. JV Ejercito ang pahayag ni dating Sen. Panfilo Lacson na kaya umusbong ang isyu ng kudeta sa Senado ay dahil may mga senador na nagaalboroto matapos matapyasan sila ng pondo.
Sinabi ni Ejercito na walang isyu sa kanila kung natapyasan man ang budget para sa kanilang mga pet projects sa ilalim ng 2024 national budget.
Una nang sinabi ni Lacson na nag aalburuto ang ilang mga senador na nakaltasan ng malaki ang kanilang parte na mula sa P160-B na inilaan para paghati hatian ng 24 na Senador para sa ibat ibang proyekto.
Nanindigan si Ejercito na pang iintriga lang ito sa senado ang coup rumors.
Mas ikinakatuwa at mas proud anya ang mga senador kapag nakakapagpasa sila ng mga mahalaga o landmark legislation at hindi kapag may nakuhang budget para sa mga proyekto
Kaya karamihan anya ng mga senador ay passionate sa pagsusulong ng mga panukala na may kaugnayan sa kanilang advocacy
Naniniwala si Ejercito na bahagi ng operasyon para siraan ang senado sa gitna ng mga kontrobersya ukol sa People’s Initiative at cha-cha ang ipinakalat na rumor ukol sa umanoy pagpapalit sa liderato ng senado.