Ipinagbawal ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-aangkat ng mga baboy mula sa Singapore sa gitna ng outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa naturang bansa.
Sa Memorandum Order 20 na nilagdaan ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, ipinatutupad sa bansa ang temporary ban sa importasyon ng domestic at wild pigs at kanilang by-products, kabilang ang pork meat, pig skin, porcine processed animan proteins at semen na nagmula sa Singapore.
Idinagdag ni Panganiban na bagaman hindi accredited country ang Singapore para mag-export ng anumang swine-related commodities sa Pilipinas, kailangan pa ring mapigilan ang pagpasok ng ASF-susceptible products na maaring makalusot sa pamamagitan ng international vessels o iba pang posibleng ruta.
Sa hiwalay na memo circular, ipinag-utos din ni Panganiban ang temporary ban sa importasyon ng karneng baka mula sa Spain sa gitna naman ng outbreak ng Mad Cow Disease sa Pontevedra, Galicia.
Sakop ng ban ang live animals, meat at meat by-products, at bovine processed animal proteins.