dzme1530.ph

PBBM, pinuri ang pinalakas na intel services sa harap ng destabilization plots

Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinalakas na Intelligence Services sa harap ng mga lumulutang na umano’y destabilization plot laban sa Administrasyon.

Ayon sa Pangulo, mas matibay na ang intel services ngayon kumpara dati, dahil marami nang mga bagong bagay na kailangang bantayan.

Sa kabila nito, nilinaw ni Marcos na ang mga hakbang sa intelligence ay mas nakatutok sa external threats sa halip na sa interal threats, dahil ito ay mas seryoso.

Nang tanungin kung ito ang patunay na siya ay hindi isang “weak” o mahinang presidente, sinabi ni Marcos na natutupad nila ang lahat ng kailangang gawin, at ito umano ang nagpapakita ng epektibong gobyerno.

About The Author