900,000 na mahihirap na pamilyang Pilipino ang hindi nakatanggap ng ayuda mula sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps noong 2023.
Itinurong salarin ni Ako Bicol Rep. Raul Angelo Bongalon ang “budget realignment” na ginawa ni Sen. Imee Marcos dahilan kung bakit hindi naibigay ang kabuuhang P13-B cash grant.
Pagbubulgar ni Bongalon, sa halip na sa 4Ps, di-nivert ni Sen. Marcos ang pondo sa ibang Amelioration Program gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Tinawag ng kongresista na malupit at kawalan ng konsensya ang budget realignment gayung marami umanong 4Ps beneficiaries ang dumaraing.
Dahil sa reallocation, nagawa umano ni Sen. Marcos at ilang kaalyado sa politika gaya ni Vice President Sara Duterte na makapamili ng gusto nilang benepisyaryo sa halip na totoong 4Ps recipients.