Mahirap para sa mga Pilipino na kumalas sa isang magulong pagsasama dahil sa mga umiiral na batas sa Pilipinas.
Pahayag ito ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen, kasabay ng pagbibigay diin, na ang kasal, bilang pundasyon ng isang pamilya ay hindi na repleksyon ng kasalukuyang reyalidad at pinagdadaanan ng karamihan ng pamilyang Pilipino.
Sa kanyang lecture sa UP College of Law, ipinunto ni Leonen na ang Pilipinas na lamang ang nag-iisang bansa na walang absolute divorce, dahil nakatali pa rin ang batas ng Pilipinas sa panahon ng kastila.
Sinabi pa ng mahistrado na kung nais natin ng hustisya, kailangan ding mamulat ang mga Pilipino kung gaano na nalipasan ng panahon ang mga batas sa bansa.