Ibinasura ni Vice President Sara Duterte ang akusasyon na tumanggap siya at ang kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte ng mga bag na naglalaman ng mga baril mula kay Pastor Apollo Quiboloy.
Naniniwala si VP Sara na ang mga pag-atakeng ito laban sa kanya, ay posibleng kagagawan ng mga nagnanais na maging susunod na pangulo ng bansa.
Ginawa ng Bise Presidente ang pahayag kasunod ng pagbubunyag ng isang alyas “Rene” na nagpakilalang dating landscaper ni Quiboloy sa Glory Mountain, na nakita niyang bitbit ng mga Duterte ang kaparehong bag na may lamang iba’t ibang klase ng baril.
Ang mga bag, ayon kay alyas Rene, ay dala ni Quiboloy nang dumating ito sa Glory Mountain sa pamamagitan ng chopper.
Idinagdag ni Inday Sara na hindi na siya magugulat kung marami pang mga pag-atake at mga isyu ang ibabato laban sa kanya dahil ang Bise Presidente aniya ang pangunahing hadlang sa mga nangangarap maging Pangulo.