dzme1530.ph

Halaga ng iba’t ibang pinansyal na tulong ng gobyerno, pag-aaralang i-adjust upang mai-angkop sa inflation

Pag-aaralan ng gobyerno ang pag-aadjust sa halaga ng iba’t ibang ayudang ibinibigay sa mahihirap na Pilipino, upang mai-angkop ito sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na inatasan sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tingnan kung paano matitiyak na hindi liliit o mababawasan ang value o halaga ng pinansyal na tulong.

Kaugnay dito, sinabi ni Gatchalian na sisiguruhing naka-price index ang financial assistance sa cost of living o essential baskets.

Inutusan din silang makipagtulungan sa NEDA at PSA para sa kaukulang kalkulasyon at pagbuo ng tamang mekanismo.

Iginiit ni Gatchalian na habang sinisikap ng economic team na mapababa ang inflation, magiging kaakibat nito ang pag-protekta sa peso value ng mga benepisyo tulad ng 4Ps at iba pang social protection programs.

About The Author